Ang sa akin lang

Rawit dawit, isang salitang bikolnon na ang ibig sabihi'y kuro-kuro o mga opinyon sa mga bagay-bagay. Yung mga tipong ideyang biglang sumagi sa utak mo na parang walang pinanggalingan o walang basehan pero gustong kumawala at ipangalandakan.
Bagama't ito'y di masusing pagsusuri, ito'y isang paglalahad ng opinyon ng may akda patungkol sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Ni kailanma'y di nito ginustong manglait o mang-alipusta o ipagdikdikan ang kanyang opinyon, bagkus, ninanais ng may akdang ikatuwa ng mambabasa ang kanyang mga pananaw sa mga pangyayari sa araw-araw.


Your tab 2 content goes here Your tab 2 content goes here Your tab 2 content goes here
Tab 3 content goes here Tab 3 content goes here Tab 3 content goes here

Saturday, March 28, 2009

P 2.50 per stick

Can somebody explain why ang minsang P 1.50 per stick na Marlboro eh P 2.50 na ngayon? Nak ng tinapa. Bumili ko sa looban ng palengke dito sa Edsa Central per pack is P29.00, kung tingi mo ibebenta merong kang tubong P11. Di na masama diba? Kaya ang pinagtataka ko eh kung bakit may nagbebenta ng P2.50.
Simula ng araw na marinig ko sa bangketa yung ganun, pinagtatandaan ko na yung mga nagbebenta ng yosi at sumumpang di na muling bibili pa - sa kanila. Punto ko simple lang, lahat tayo naghihirap na, nanglalamang ka pa? Sikmura ko na yung P2 per stick eh, pero yung dagdag ng P0.50, tsong naman, sakit na sa bulsa nyan. Nag rollback na krudo, pati pamasahe, etong pesteng Marlboro di maka roll back ng presyo.

No comments:

DonkeyMails.com: No Minimum Payout