Ang sa akin lang

Rawit dawit, isang salitang bikolnon na ang ibig sabihi'y kuro-kuro o mga opinyon sa mga bagay-bagay. Yung mga tipong ideyang biglang sumagi sa utak mo na parang walang pinanggalingan o walang basehan pero gustong kumawala at ipangalandakan.
Bagama't ito'y di masusing pagsusuri, ito'y isang paglalahad ng opinyon ng may akda patungkol sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Ni kailanma'y di nito ginustong manglait o mang-alipusta o ipagdikdikan ang kanyang opinyon, bagkus, ninanais ng may akdang ikatuwa ng mambabasa ang kanyang mga pananaw sa mga pangyayari sa araw-araw.


Your tab 2 content goes here Your tab 2 content goes here Your tab 2 content goes here
Tab 3 content goes here Tab 3 content goes here Tab 3 content goes here

Wednesday, September 17, 2008

Libre Libing

Winner of free funeral has not claimed prize--Italian media

Agence France-PresseFirst Posted 22:26:00 09/17/2008


ROME—The winner of a free funeral has not turned up to claim his prize after ticket number 11 was chosen in a raffle in southern Italy, an Italian newspaper reported Tuesday.


The holder of the winning ticket in the raffle -- held in the town of San Marco in Lamis -- is entitled to a free lined coffin, a tombstone, copper candlesticks and a grave site, Il Corriere del Mezzogiorno reported.


There is no deadline for claiming the prize and the winner can give it to somebody else, raffle organizers said, according to the paper.

------author's comment-------


Wtf! Are you serious? This was posted yesterday in Inquirer.net, binasa ko talaga paulit-ulit. I mean seriously, mahirap na ba magpa-libing sa Rome? Siguro kung dito sa Pinas to kung san mas mahal mamatay kesa mabuhay, tyak pag-aagawan to.


On second thought, pano kung ikaw nanalo? Pano mo sasabihin sa nanay mo?


"Nay!!!! Pwde na kong mamatay!!!"


O kaya dahil pwde mo daw to ibigay,


"Tol, sabihin mo lang kung gusto mo mamatay ha, may gift ako sayo."

Cheers!

Friday, August 15, 2008

Katawan o kakatuwaan?

Ano nga bang mas gugustuhin ng babae meron sa isang lalake? Yung magpapakilig sa kalamnan o yung makakapag palabas ng gilagid sa pagpapatawa? Depende siguro sa sitwasyon? Ilan mang babaeng di lasing ang tanungin mo ay una sa listahan nila ang nagiisang meron ata ako sa mundo ang sense of humor. Ang problema lang, ito’y isang katangiang pang super hero, di dapat ilabas kung di kinakailangan. At di tulad ng pag-amin ko na meron ako nito, kadalasan, walang aaming tao na sya’y nakakatawa. Isipin mo nalang na nagpaalam ka sa katabi mo na kikilitiin mo sya, tyak di tawa ang maririnig mo kundi himig ng mga anghel sa langit sa lakas ng sapak nya.

At dahil isa ko sa mga taong naghahangad ng magandang katawan at di ko makuha, mas hinuhubog ko nalang ang sarili ko sa pagiipon ng mga bagay na pwede kong pagkatuwaan. Madali daw magpalaki ng katawan, konting exercise at inum ng mga komersyalisadong bitamina, ay lalabas ang mga tinatago mong lakas. Pero ang pagpapatawa ay likas, isang aspeto ng tao na bagamat nadadaan sa exercise o practice ay minsa’y pinagkakait din sa karamihan. Sa pagsusulat, dalawang genre ang pinaka mahirap gawin, comedy at horror. Pag di ka nakakatawa, marami maiinis, pag di ka nakakatakot maraming matatawa. Siguro nga ganun nalang ngayon dapat gawin ng mga sitcom ng ating mga local channels.

Pero mabalik tayo sa tanong, ano nga ba mas pipiliin ng babae? Katawan o sense humor? Mas masarap kasama yung pinapatawa ka, pero mas masarap sa kama yung may nayayakap ka. Sa pelikulang ‘Roger Dodger’ kung saan tinuturuan ng isang kupal na tiyuhin ang kanyang pamangkin ng mga strategy sa pambabae, natanong dito kung ano nga kung may kasama ang isang babae na isang super cool and funny guy, malaki daw ang tsansa na makipag-sex ang babae dito, pero pag dumaan sa harap nila ang isang lalaking nakasakay sa harley at pumuputok ang muscles, mas malaki daw ang tsansa na iwan ng babae si super cool guy. Isn’t it unfair? Why? I promised to be good? Why him?

Wednesday, August 6, 2008

Latak

Masarap papakin ang latak, mga maliliit na tira tira pero napapakinabangan pa din at minsan pinag-aagawan pa. Pero naranasan mo na bang maging latak sa buhay ng isang tao? Sa buhay ng minamahal mo? Yung tipong ang tawag na sayo ng ka-opisina mo’y ‘canadian’? As in, ‘magsaing ka na dyan’, ‘magluto ka na dyan’ o ‘maglaba ka na dyan’? Sa lahat ng latak eto ang pinaka-masaklap, mas masaklap pa sa latak na beer.

Ba’t kahit anong gawin mo’ balewala? Umaasa ka lang ba sa wala? Nabubuhay ka ba sa isang ilusyon ng may namamagitan sainyong pagmamahalan? Umaasa ka bang iiwan nya ang kasama nya ngayon para sayo? O pansinin ka na nya sa tuwing inaabot mo ang naplantsa nyang damit? O purihin man lang ang mainit na sabaw na inihain mo? Umaasa ka ba talaga o di mo na mahal ang sarili mo? Bulag ka na sa katotohanang di ka mahal ng kung sino man pinagttyagaan mo.

Maraming tao sa mundo, di ka nag-iisa, maraming tangang katulad mo na naghahanap ng atensyon. Wag ka ng umasa, kumawala sa mundo, wag mag-hanap ngunit wag magsawang mag-hintay. Sino man o kailanman, may darating pa din. Mas masarap umasa sa ganito, kesa umasang mamahalin ka ng taong minamahal mo ngayon.

Ibugaw ang sarili, baon lamang ang respeto’t pagmamahal. Lumingon sa paligid, balikan ang mga kaibigang nakalimutan. Iactivate ang account sa Friendster, pag wala pa din, gumawa ng panibagong account sa Facebook, kung medyo iba hilig mo punta ka ng ManilaTonight, saan man yan, siguradong may makukuha ka. Pag lumipas ang limang taon at umabo’t ka sa edad na di mo na kayang magforward ng text ng di naka salamin, saka ka na uli magtanong at maghanap nalang din ng LATAK!!!

Friday, July 11, 2008

Makinilya


Pinaka mahirap kalaban ang makinilya nuong araw kesa sa mga kompyuter ngayon, kaya bilib ako sa mga taong nakapagsulat sa makinilya. Wala kami masyadong kaya sa pamilya kaya’t pinagtyagaan ko yung mga tipong makinilya na ginamit pa ng hapon na di tulad ng mga nausong portable na may kasamang case na mala maleta, sakin yung tipong halimaw na nangingitim at kupas na mga tinta. Sa salas ako madalas mag-sulat, pero pag dating ng makinilya na sa sobrang bigat ay napagkasunduang ipwesto nalang sa sala, sa kwarto na lang ako o sa labas. Kahit ang magpagabi minsan di ko na inisip dahil sa takot na pag-daan ko sa salas ay maririnig ko nalang na may pumipindot sa makinilya. Di naglaon, natuto akong harapin ang aming lumang makinilya tulad ng pag kakatuto kong umuwi ng bahay sa pakikinuod ng Regal Shockers sa kapitbahay. At sing bing bilis ng takbo ko pauwi ay sya ring bilis ng aking pagpindot sa mga nangangalawang na mga letra.

Di ako gaano mahilig magsulat, college na ko ng nalaman kong may ibang gamit pala ang makinilya at utak ko. Sa pag mamakaawa ng aming EIC nuon ay napilitan akong sumulat, at napakinabangan ko ang lumang typewriter sa bahay. Pakatapos ng higit kumulang isang papel ay natapos ko ang pinaka una kong obra sa harap ng makinilya na halos magsalita na sa kakatitig ko…aking pangalan sa gitna ng isang blankong papel. Tuwang tuwa kong inalis ang papel at hinalikan at inisip na wag ng muling gumamit ng makinilya at magtiis sa ballpen. Kinaumagahan, naisip kong mag-makaawa sa kapatid ko na bumili ng tinatawag na kompyuter at sumumpang di na muling gagamitin ang makinilya.

Kapanganakan

Isang hapon, di makatulog sa kaka-isip ng sariling problema at ng buong mundo, kamay ko’y nangati. Pera, di siguro, alipunga? Malamang? Buni? Malay mo? Kamot, kamot at kamot, walang katapusang kamutan hanggang nahagilap ang kompyuter na hiniram sa opisina at naisipang magsulat. Isang milagro ang naganap….nakapag-sulat ako. Isa na namang obrang mabuburo sa ga bundok na basura ng kwarto o isang maliit na espasyo sa aking harddrive na kahit virus ay manghihinayang sirain. Sa isang madilim na kwarto…habang halinhinan ang kamot at pagppindot ng mga letra sa kompyuter ay biglang…Blag!!! At dito ipinanganak ang BL@G!
DonkeyMails.com: No Minimum Payout