Ang sa akin lang

Rawit dawit, isang salitang bikolnon na ang ibig sabihi'y kuro-kuro o mga opinyon sa mga bagay-bagay. Yung mga tipong ideyang biglang sumagi sa utak mo na parang walang pinanggalingan o walang basehan pero gustong kumawala at ipangalandakan.
Bagama't ito'y di masusing pagsusuri, ito'y isang paglalahad ng opinyon ng may akda patungkol sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Ni kailanma'y di nito ginustong manglait o mang-alipusta o ipagdikdikan ang kanyang opinyon, bagkus, ninanais ng may akdang ikatuwa ng mambabasa ang kanyang mga pananaw sa mga pangyayari sa araw-araw.


Your tab 2 content goes here Your tab 2 content goes here Your tab 2 content goes here
Tab 3 content goes here Tab 3 content goes here Tab 3 content goes here

Friday, July 11, 2008

Makinilya


Pinaka mahirap kalaban ang makinilya nuong araw kesa sa mga kompyuter ngayon, kaya bilib ako sa mga taong nakapagsulat sa makinilya. Wala kami masyadong kaya sa pamilya kaya’t pinagtyagaan ko yung mga tipong makinilya na ginamit pa ng hapon na di tulad ng mga nausong portable na may kasamang case na mala maleta, sakin yung tipong halimaw na nangingitim at kupas na mga tinta. Sa salas ako madalas mag-sulat, pero pag dating ng makinilya na sa sobrang bigat ay napagkasunduang ipwesto nalang sa sala, sa kwarto na lang ako o sa labas. Kahit ang magpagabi minsan di ko na inisip dahil sa takot na pag-daan ko sa salas ay maririnig ko nalang na may pumipindot sa makinilya. Di naglaon, natuto akong harapin ang aming lumang makinilya tulad ng pag kakatuto kong umuwi ng bahay sa pakikinuod ng Regal Shockers sa kapitbahay. At sing bing bilis ng takbo ko pauwi ay sya ring bilis ng aking pagpindot sa mga nangangalawang na mga letra.

Di ako gaano mahilig magsulat, college na ko ng nalaman kong may ibang gamit pala ang makinilya at utak ko. Sa pag mamakaawa ng aming EIC nuon ay napilitan akong sumulat, at napakinabangan ko ang lumang typewriter sa bahay. Pakatapos ng higit kumulang isang papel ay natapos ko ang pinaka una kong obra sa harap ng makinilya na halos magsalita na sa kakatitig ko…aking pangalan sa gitna ng isang blankong papel. Tuwang tuwa kong inalis ang papel at hinalikan at inisip na wag ng muling gumamit ng makinilya at magtiis sa ballpen. Kinaumagahan, naisip kong mag-makaawa sa kapatid ko na bumili ng tinatawag na kompyuter at sumumpang di na muling gagamitin ang makinilya.

Kapanganakan

Isang hapon, di makatulog sa kaka-isip ng sariling problema at ng buong mundo, kamay ko’y nangati. Pera, di siguro, alipunga? Malamang? Buni? Malay mo? Kamot, kamot at kamot, walang katapusang kamutan hanggang nahagilap ang kompyuter na hiniram sa opisina at naisipang magsulat. Isang milagro ang naganap….nakapag-sulat ako. Isa na namang obrang mabuburo sa ga bundok na basura ng kwarto o isang maliit na espasyo sa aking harddrive na kahit virus ay manghihinayang sirain. Sa isang madilim na kwarto…habang halinhinan ang kamot at pagppindot ng mga letra sa kompyuter ay biglang…Blag!!! At dito ipinanganak ang BL@G!
DonkeyMails.com: No Minimum Payout