Ang sa akin lang

Rawit dawit, isang salitang bikolnon na ang ibig sabihi'y kuro-kuro o mga opinyon sa mga bagay-bagay. Yung mga tipong ideyang biglang sumagi sa utak mo na parang walang pinanggalingan o walang basehan pero gustong kumawala at ipangalandakan.
Bagama't ito'y di masusing pagsusuri, ito'y isang paglalahad ng opinyon ng may akda patungkol sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Ni kailanma'y di nito ginustong manglait o mang-alipusta o ipagdikdikan ang kanyang opinyon, bagkus, ninanais ng may akdang ikatuwa ng mambabasa ang kanyang mga pananaw sa mga pangyayari sa araw-araw.


Your tab 2 content goes here Your tab 2 content goes here Your tab 2 content goes here
Tab 3 content goes here Tab 3 content goes here Tab 3 content goes here

Thursday, March 26, 2009

Woman jumps into LRT tracks, survives

Woman jumps into LRT tracks, survives

By Jeannette AndradePhilippine Daily InquirerFirst Posted 11:56:00 03/26/2009Filed Under: Suicide
MANILA, Philippines--A 41-year-old woman came out with only abrasions when she reportedly jumped from the platform of the Light Rail Transit (LRT) into the path of an approaching train early Thursday in Manila. (read entire story)

********************Rawit dawit**************************


San mo gustong magising? katabi ng prince charming o sa gitna ng rumaragasang LRT?

Minsan naisipan ko na ding pakamatay, at kung di lang siguro sa libro ni Bob Ong tungkol sa ang 'how to kill yourself' or "killing yourself for dummies" type of article, eh matagal ko ng nagawa. Biruin mo, naisalba ko ng babasahing yun.


Maraming uri ng gustong pakamatay sa mundo, may ibang gusto dramatic ang ending. Eto yung tipong gustong magsuicide sa gitna ng mataong lugar at sisigaw pa ng "wag nyo kong pigilan,
papatayin ko sarili ko!", o kaya minsan sila yung gustong mangdamay at manghohostage at ang sigaw ay "wag kayong lalapit, papatayin ko to" tumawag kayo ng media!."


May ibang thrill seeker, sila yung tipong kabaliktaran ng may phobia sa height. Sila yung mga nagsasabit ng sarili sa kisame, o yung ibang extemist mas gusto ng mas mataas eh tumatalon sa building o billboard sa EDSA. Either mababa ang kisame nila sa bahay o walang tulay na malalim malapit sa kanila.


Kasama din dito yung mga mahihilig sa karera, adik sa mga rumaragasang motor, tren, kotse,
LRT at MRT. Pag may pambayad sa LRT o MRT mas exciting, pero pag wala, oks na yung tren na dumadaan sa EspaƱa. Yung mga taong gusto sa tren, sila yung mga tipong madalas manuod ng magic, type nila yung babaeng nilalagari tapos nabubuo uli. kabaliktaran lang dahil pakatapos nilang hati-hatiin or should I say pira-pirasuhin ng tren ay ilalagay sila sa isang karton not the other way around. At eto pa ang catch, mabubuo nga sila - buong katawan sa isang maliit na karton. Biruin mong gusto pang maging contortionist.


Meron ding mga tipong gustong pakamatay sa paglamon o paginum ng mga bagay-bagay, Mula
sa Baygon, mga tableta pati moth balls di pinatawad. Pero sa lahat ng mga bagay na yun na pawang mga bagay na madalas makita sa kusina, o mga drawer ng nanay mo kasama ng mga Playboy magazine ng tatay mo, eh bat di nila naisipang lumunok ng kutsilyo, lagari, screw o screw driver na mas madaling hanapin kesa sa nawawalang remote control ng tv mo? Di ba mas exciting yung screws? Yung tipong umiikot pa pababa ung mga turnilyo pababa ng lalamunan mo tapos susundutin mo ng screwdriver na magnetic pababa para sure na aabot sa bituka. At pag sumabit eh lalagariin mo yung leeg mo tapos iistaple mo nalang uli pakatapos? Diba mas maganda pakinggan? Paniguradong mawiwindang si Gus Abelgas.


Sa dinami-rami ng mga paraan sa pag-patay sa sarili, isiping mabuti na ito'y isang one-time big-time na decision. At please lang, wag mong idadahilan ang kahirapan sa mundo o ang syotang o asawang nang-iwan sayo. Dapat yung tipong kakaiba naman, tulad ng, dahil di mo alam ang sagot sa kung ano ang nauna, manok o itlog. Astig diba?

No comments:

DonkeyMails.com: No Minimum Payout